SAN JUAN NEPOMUCENO PARISH

C. Jose St., Malibay, Pasay City, Philippines 1300, Tel/Fax 63(2)852-8164

WELCOME TO OUR BLOG SITE

In this site are articles on our Vision, Mission, History, Tradition, and other information.

For further information, visit our Facebook page.

Rev. Fr. Edgardo C. Coroza, Parish Priest
Email: sanjuannepomucenoparishmalibay@gmail.com

SERVICES

MASSES: Sundays: 6:00, 7:30, 9:00 am (Tagalog) & 10:15 am (English)
4:00 (Children's Mass), 5:30, 7:00 pm (Tagalog), 8:00 pm (English), 5:30 pm (B. Mayor Chapel)
Weekdays: 6:00 am & 6:00 pm
Mass for the Sick: every 2nd Saturday, 9:00 am
CONFESSION: Wed., Fri., Sat. 5:30-6:00 pm or by appointment
BAPTISM: Sundays 11:00 am or by appointment
ANNOINTING OF THE SICK: by appointment
MATRIMONY: by appointment
OFFICE HOURS: Tues. to Sun. 8:30 am-12:00 nn, 2:00 pm-6:00 pm, (Closed on Mondays)

Wednesday, May 11, 2016

DALIT KAY MARIA - AWIT SA PAG-AALAY NG BULAKLAK (Malibay version)



DALIT KAY MARIA
Awit sa Pag-aalay ng Bulaklak
(Malibay version)

Koro:
Itong bulaklak na aming alay
Ng aming pagsintang tunay
Palitan mo, Birheng mahal
Ng tuwa sa kalangitan.

Verses:
O Mariang sakdal dilag
Dalagang lubhang mapalad
Tanging pinili sa lahat
Ng Diyos Haring mataas.

Kaya kami naparito
Aba Inang masaklolo
Paghahandog pananagano
Nitong bulaklak sa Mayo,

Buwang ito’y mahalaga
At lubhang kaaya-aya
Pagka’t sa iyo Señora
Nahahain sa pagsinta.

Araw at mga paninim
Ay pawing nangagniningning
Na anaki’y mga bituin
Sa tulong mo Inang Birhen.

Ang mga natuyong kahoy
Na nilanta ng panahon
Pawang sumisibol ngayon
Sa pagsinta sa iyo Poon.

Ang dating di namumunga
Nang mga panahong una
Ngayo’y nangagpapakita
Ng mababangong samapaga.

Sa masagana mong awa
Walang di mananariwa
Tuyong kahoy magdaragta
Kung ikaw ang mag-aalaga.

Nangalanta naming puso
Sa kasalana’y natuyo
Birheng Ina’y tunghan mo po’t
Nanagsisisi ng tanto.

Dumudulog at lumalapit
Sa masagana mong batis
At tumatanggap ng lamig
Na iyong idinidilig.

Nananalig at umaasa
Sa biyaya mong walang hangga
Na malulugdin kang Ina
Sa anak na nanininta.

Kaming halamang nalaing
Sa init ng sala naming
Diligin ng awa mo Birhen
Sa pagsinta’y nang magsupling.

Yamang ikaw ang may bitbit
Ng buong biyaya ng langit
Señora, kami’y itangkilik
Nang di mapugnaw sa init.

Diligin ng iyong habag
Ang sa puso naming ugat
Nang manariwa’t pumulas
Ang mababangong bulaklak.

Sukdulang patay na mistula
Kami sa salang nagawa
Walang di pagkabuhay nga
Kung ampunin ng iyong awa.

Sa iyo ang buong tulong
At ikaw ang Panginoon
Ng madlang ligaya roon
Sa Maluwalhating Sion.

Ikaw ang dakilang Reyna
Ng buong nanga sa Gloria
At mabango kang sampaga
Ng Diyos na walang hangga.

Ang ibig mong papanhikin
Sa langit ay walang pipigil
Bagkus pa ngang tatanggapin
Kung ikaw ang humihiling.

Mga koronang tuhug-tuhog
Na mababangong kampupot
Kamay mo ang nagsasabog
Sa mga katoto ng Diyos.

Doo’y ang buong Korte’t
Mga banal na babae
Hari at mga prinsipe
Pawang sa iyo nagpupuri.

Kaya kami ngayong lahat
Na nagluhod sa iyong harap
Nagpupuri’t naggagawad
Nitong sa lupang bulaklak.

Hamak na’t lubhang huli
Sa mga bulaklak sa Korte
Loobin mo, Inang kasi
Sa ampon mo’y manatili.

Upang siyang maging landas
Nang aming ikararapat
Sa awa mo, Birheng liyag
At sa maligayang siyudad.

Ang walang halagang kahoy
Sa lupa’y pinayayabong
Ng awa mo, Birheng Poon
Kami ano kaya ngayon?

Hindi na kaya mahabag
Sa luha naming nanatak
At sa pusong nag-aalab
Ng sa iyo ay paglingap.

Huwag iligid sa amin
Ang awa mo at pagtingin
Yamang wala na O Birhen
Iba kaming dudulugin.

Malaon kaming nalayag
Sa kalautan ng dagat
Ng kasalanang masaklap
Nakamamatay sa lahat.

Hindi naming naalaala
Mahal mong ngalan Señora
Ngayong madilidili ka
Kami po’y nagsisisi na.

Nagtitika kaming tikis
Na di muling makikinig
Sa mga masamng akit
Ng domonyong lilong ganid.

Lalayuan naming lubos
Birheng Inang maalindog
Ang iyong ikinapopoot
Sa awa mo’y ng manulos.

Panunghan mo, Inang liyag
Ang mahihina mong anak
Dumudulog at tumatawag
Sa pinto ng iyong habag.

Lakas nami’y walang kaya
Makapagtagumpay sa sala
Kung di mo tulungan, Ina’t
Sa iyo kami pakalara.

Patapangin ng iyong biyaya
Ang puso naming mahina
Nang din a muling madaya
Nitong mundong makuhila.

Ang ngalan mong maalindog
Na Mariang bunyi’t bantog
Ikintal sa aming loob
Tukso’y nang di makapasok.

Papangyarihin sa amin
Ngalan Mo’y siyang sambitin
Sa pagtulog at paggising
At sa anumang gagawin.

Doon po kami iparis
Sa tanang Korong angheles
Mga Tronos at Potesdades
Ngalan mo ang sinasambit.

Nagpupuri’t nagsasaya
Dahil sa dakilang arka
Na punung-puno ng grasya
Ika’y nga po’t dili iba.

Upang yaring puso’t loob
Ay manatiling maglingkod
Hanggang ikaw mapanood
Sa kaluwalhatian ng Diyos.

Pangako mo rin pong dati
Na sinumang pakandili
Sa iyo’y mamintakasi
Aampunin mong parati.

Sukdan nga lubhang masala
Pag tinatawag kang Ina
Nagsisisi’t nagtitika
Tuturingang anak mo na.

Agad mo pong dinidinig
Banal at balang humibik
Kaya yaring aming dibdib
Napapako sa pag-ibig.

Balang maninta ng tapat
Sa iyo po Birheng wagas
Sa langit naaakyat
Na di nagdadaang hirap.

Anumang galit ng Diyos
Sa sala ng sangsinukob
Kung ikaw ang siyang lumuluhod
Humuhupa’t umuuntos.

Kami naman ay gayon din
Kailan ma’t iyong idaing
Kay Jesus, Anak mong giliw
Agad-agad kang susundin.

Pahirin ng iyong awa
Anang dating mapagpala
Umaanod naming luha
Dahil sa salang nagawa.

Kami’y ipakiusap mo
Sa bunying Divino Verbo
Na kami’y maging katoto
Sa langit na iyong Imperio.

Huwag mo kaming limutin
Aba Inang malulugdin
Nang yaring aming panimdim
Sa awa mo’y magupiling.

Pakasambahin ka ng lahat
Sa buong sangmaliwanag
Ipagbantog ipagtawag
Awa Mong walang katulad.

At kung dito kami’y maalis
Sa bayang kahapis-hapis
Salubungin mo’t ihatid
Sa kaluwalhatian sa langit.

Friday, June 20, 2014

PAGDIRIWANG NG GOLDEN JUBILEE NG PAROKYA



SAN JUAN NEPOMUCENO PARISH
Malibay
GOLDEN JUBILEE

Pagsasabuhay ng Pananampalataya Bilang Asin at Ilaw ng Sambayanan
(Living the Faith as Salt and Light of Our Parish Community)

Ang Parokya ng San Juan Nepomuceno sa Malibay, Pasay City ay itinatag bilang parokya noong ika-15 ng Hunyo 1965.  Kaya sa darating na 2015 ay ipagdiriwang natin ang ating ika-50 o Gininutang Anibersaryo.

Schedule of Activities
PASIYAM – SIYAM NA PISTAHAN SA MALIBAY
Bilang paghahanda sa Golden Fiesta ng ating parokya, magkakaroon tayo ng SIYAM NA PISTA kung saan ang pinakatampok na Gawain ay ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa ikaanim ng gabi tuwing ika-16 ng buwan simula Agosto 2014 hanggang Abril, 2015.

PAGDALAW SA MGA BARANGGAY
Tuwing ika-15 ng buwan simula Agosto, ang imahen si Tata Juan ay dadalhin sa mga baranggay upang iprusisyon at parangalan. Magkakaroon din ng Banal na Misa sa mga baranggay tuwing ika-15 ng bawat buwan mula Agosto 2014 hanggang Abril 2015.

MGA HERMANA/HERMANO SA BAWAT BUWAN
1. Agosto 2014– Gng. Elvira Orca
2. Setyembre 2014 – Gng. Leonora Bernardo
3. Oktubre 2014 – Gng. Rosario Gatmaitan
4. Nobyembre 2014 – Gng. Vicenta Collado
5. Disyembre 2014 – Gng. Julita Blanco
6. Enero 2015 – Gng. Zenaida Magpantay
7. Pebrero 2015 – Bb. Detivita Estrella
8. Marso 2015 – Bb. Carmencita Estrella
9. Abril 2015 – G. Alvin Magpantay
GRAND HERMANO MAYOR – MAY 16, 2015
G. Alvin Magpantay at Pamilya

ANO ANG MAGAGANAP SA PAGDALAW NI SAN JUAN NEPOMUCENO SA MGA BARANGGAY?
Sa ika-15 at 16 ng buwan, magkakaroon ng mga libreng serbisyo tulad ng medical mission, legal consultation, pagdalaw sa mga may sakit, at iba pa. Ito ay magtatapos sa pagtatanghal sa imahe ni San Juan Nepomuceno at pagpuprusisyon mula sa baranggay patungo sa Simbahan, kung saan gaganapin ang Banal na Misa sa ikaanim ng gabi bilang pasiyam sa mahal na patron.

HOST BARANGGAYS AT MGA KAPITAN
Agosto 2014 – Brgy. 167 at 168 (Ma. Lourdes Sta. Maria at William Abundo)
Setyembre 2014 – Brgy. 176 at 177 (Arturo Ocampo at William Tarroza)
Oktubre 2014 – Brgy. 174 at 175 (Dante Torres at Romeo Mislos)
Nobyembre 2014 – Brgy. 172 at 173 (Felix Francisco at Julie Gonzales)
Disyembre 2014 – Brgy. 169 at 170 (Danilo Francisco at Rosano Pasahol)
Enero 2015 – Brgy. 164 at 165 (Robert Cruz at Wenceslao Siwala)
Pebrero 2015 – Brgy. 162 at 163 (Nidia Morga at Allan Alcoran)
Marso 2015 – Brgy. 158 at 161 (Alicia Orjas at Ma. Teresa Mariano)
Abril 2015 – Brgy. 144 at 159 (Nelson Padilla at Amelia Calupig)
Mayo 2015 - Brgy. 160, 166, at 171 (Jennifer Claudio, Arthur Cruz, at Emil Cruz)

Maligayang Ginintuang Kapistahan sa ating lahat !!!

Ang Jubilee Door
Ang pagbubukas ng Jubilee Door sa pangunguna ni Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ay katangi-tanging biyaya para sa ating mga taga-Malibay. Ito ay paalala sa atin na si Hesus ay Siya nating daan patungo sa kaligtasan. Sa ating Simbahan, ang Jubilee Door ang pintuaan sa gawing kanan.

Pagkakaloob ng Indulhensya (Indulgence)
Para sa ating Ginintuang Pista, humiling tayo mula sa Vaticano na pagkalooban ng Indulhensya ang mga parokyano at mga bisita na dadalaw sa ating Simbahan at dadalo sa mga Misa at mga natatanging gawaing pang-espiritwal. Mga gawaing dapat daluhan upang makatanggap ng indulhensya:
1.      Mga Nobena at Misa kay San Juan Nepomuceno na gagawin tuwing ika-16 ng buwan mula Agosto 2014 hanggang Abril 2015
2.      Mga Nobena at Misa mula ika-7 ng Mayo hanggang ika-15 2015, at mga Misa sa araw ng kapistahan sa ika-16 ng Mayo 2015
3.      Mga misa na ipagdiriwang ng Arsobispo ng Maynila at iba pang Obispo
4.      Mga pagsasanay espirituwal na dadaluhan ng mga taga-parokya, mga lingkod at empleyado ng parokya
5.      Pagdalaw sa Simbahan ng Parokya ng San Juan Nepomuceno, Malibay, Pasay City.

Ngunit ano nga ba ang indulhensya?
Ang Sakramento ng Kumpisal ay nakakapagpapatawad ng kasalanan. Subalit nanatili pa rin na dapat nating punan ang pagkukulang sa Diyos at sa kapwa bunga ng kasalanan, maging sa purgatoryo o dito sa lupa. Para mapunan iyan sa lupa ay dapat tayong magtamo ng indulhensya, na bunga ng lubos-lubos na biyayang natamo ni Hesukristo ng ialay Niya ang sarili sa Krus, at na siya namang ipinagkakaloob ng Simbahang Katolika sa pamamagitan ng Santo Papa.
Ano ang Kailangan upang Matamo ang Indulhensya?
Sa pagdalo sa mga nasabing pang Jubileong mga pagdiriwang, ang mananampalayata ay makakatanggap lamang ng indulhensya kung taglay niya o nagawa niya ang mga sumusunod:
1.       Dapat nasa state of grace o walang kasalanang mortal na hindi pa nakukumpisal,
2.       Wala ni anumang pagnanais na gumawa ng anumang sala,
3.       Nakatanggap kamakailan ng Banal na Komunyon, at
4.       Ipinagdasal ang mga intensyon ng Santo Papa.

Panalangin kay San Juan Nepomuceno
Martir ng Lihim ng Kumpisal
at Patron Laban sa Baha at Paninirang-puri
(Nobena tuwing Huwebes)
O Diyos na makapangyayari sa lahat at Panginoon ng tanang kinapal, Diyos na dapat sambahin, igalang at purihin, isinasamo namin sa Iyo nang buong pagpapakababang loob, na alang-alang sa mga karapatan at sa pamamagitan ng maluwalhating Martir at aming Pintakasi na si San Juan Nepomuceno, ay ilayo Mo sa amin ang anumang kasiraan ng puri, kamurahan, at hayag na kahihiyan na makaliligalig sa amin sa paglilingkod sa Iyo; at iadya mo kami nang lalo’t lalo sa malaking kamurahan, lubos na kahihiyan at mga paglait na dadalitain ng mga sinumpa. Sa harap ng tanang mga anghel at santo sa araw ng paghuhukom sa sangkatauhan at sa pagmamahal namin sa mga kapuriha’t karangalan sa lupa, ay huwag mawala sa amin ang puring walang hanggan at ang kaluwalhatiang inihahanda mo sa Iyong mga hinirang sa langit. Alang-alang sa Anak Mo, Panginoon naming Hesukristo, na nagtiis ng kalait-lait na kamatayan dahil sa pagtubos sa amin at nang kami ay mailigtas sa kahihiyang walang hanggan, at Siya’y Diyos na sumasaiyo, nabubuhay at naghaharing kasama ng Espiritu Santo magpasawalang-hanggan. Siya nawa.

(Dasalin nang tatlong beses)
Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo...




PANALANGIN NG GINUNTUANG TAON NG HUBILEO

Mapagpala at mapagmahal na Diyos, ang aming mga puso ay nag-uumapaw sa pasasalamat at papuri habang aming ipinagdiriwang ang Ginintuang Taon ng Hubileo.
Basbasan Mo ang parokyang ito, na itinalaga kay San Juan Nepomuceno, ng masaganang biyaya.
Nawa’y patuloy kaming maging malugod, bukas at buong pusong magbago sa kapangyarihan ng Iyong Salita na naging tao kay Hesukristong Anak Mo.
Nawa’y hipuin ng Banal na Espiritu and aming mga puso ng apoy ng Iyong pag-ibig.
Tulungan Mo na mas lalo pa naming isabuhay ang aming pananampalataya bilang mga alagad ni Hesus.
Nawa’y maibahagi namin sa aming kapwa ang kaligayahan at mga biyaya na aming tinatanggap sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Maria, Ina ng Simbahan, ipanalangin Mo kami.
San Juan Nepomuceno, ipanalangin mo kami.

 
GOLDEN JUBILEE PRAYER

Gracious and loving God, our hearts are filled with gratitude and praise as we celebrate our Golden Jubilee year.
Bless this parish, dedicated to San Juan Nepomuceno, with abundant graces.
May we continue to be inspired, renewed and transformed through the power of Your Word, made flesh in Jesus Christ, Your Son.
May the Holy Spirit touch our hearts with the fire of Your love.
Help us to live our faith more fully as disciples of Jesus.
May we share with others the joy and blessings we have received through Christ, Our Lord, Amen.

Mary Mother of the Church, pray with us and for us.


San Juan Nepomuceno, pray for us.


GOLDEN JUBILEE LOGO





SJNP@50: HIMIG HANDOG PARA KAY TATA JUAN WINNING ENTRIES


MABUHAY PARA SA KAPWA
Joseph Cruz

I
Sa paglalakbay sa karimlan
Di ba’t nais mo’y may ilaw na gumagabay?
Tulad kung mayron kang suliranin,
Dalangin mo sana’y may karamay
.
II
Kung ang kapwa mo’y naliligaw,
O nagdarahop, salat sa yaman at lakas.
Di ka ba kikilos o tutulong?
Pagdamay mo sa kapwa’y pagpupuri din sa Diyos!

KORUS
At sa mabuhay para sa kapwa’y sadyang dakila.
Gaya ng ating nasaksihang katapatan kay Poong San Juan.
Buhay niya ay ibinuwis, pagmamahal niya ay labis.
At sa huli’y nakamtan nya ang Kahariang pangako ng Ama!

TULAY
Tulad ng ilaw na may ginhawang liwanag.
Alat sa dagat hatid ay buhay sa lahat.
Magmahalan, at kapwa’y damayan.




MALIBAY, TAYO’Y MAGDIWANG
Music by Herminigildo G. Ranera, Ph. D.
Lyrics by Alejandro M. Manuel

I
Malibay! Tayo’y magdiwang,
Lahat tayo’y magalak
Umawit ang sambayanan
Magpasalamat ng ganap!

II
Sa Poon San Juan
Tagumpay ng bayan
Sa limampung taong bigay
Nagliwanag bilang ilaw!

III
Tingnan yaring iyong angkang
Naglalakbay sa ‘yong bayan
Bitbit nami’y pananalig
Bilang liwanag na tanglaw.

IV
Tiwala sa pag-ibig
Ay nagsilbing asin at ilaw
Nitong baying Poong Mahal!

Refrain
O, San Juan Poong Mahal!
Huwaran ng kabanalan
Buhay na laging tinataglay
Pananalig sa Maykapal.

Sa ‘Yo kami’y nagdarasal
Bigyan alat ng lubusan
Itong pusong nagdiriwang
Maglingkod ng buong husay.

V
Malibay! Tayo ay magdiwang
Isigaw ng may kagalakan
Pasasalamat sa Maykapal
Sa biyayang walang hanggan.

Vi
Sa mga pagsubok ng buhay
Di mo kami kinalimutan
O San Juan Patrong mahal naming irog!


ULIRANG SAN JUAN
Jose Sadek G. Catalan

I
Sa patnubay mo kami’y yakapin
Ika’y aming liwanag sa dilim
Ang buhay mong sa amin ay pumukaw
Magpatuloy magpakailanman.

II
Tulungan mong mabuhay sa pag-ibig
Ang baya’y huwag hayaang malihis
Dinadalangin naming pagpapala
Iyong dinudulog sa ating Ama.

III
Salamat po sa inyo, O Poong San Juan
Aming gabay maging ligaya ma’t lumbay
Katulad po ninyo, O Poong San Juan
Pag-adya mo po kami sa maling gawa.

Tulad mo ang ilaw at asin
Hangad ng bayan mo’y ika’y sundin
Naisin ang daan ng kabanalan
Sa iyong halimbawa’y makakamtan.

Repeat I, II, and III

Uliran sa kabanalan O San Juan.