C. Jose St., Malibay, Pasay City, Philippines 1300, Tel/Fax 63(2)852-8164

WELCOME TO OUR BLOG SITE

In this site are articles on our Vision, Mission, History, Tradition, and other information.

For further information, visit our Facebook page.

Rev. Fr. Edgardo C. Coroza, Parish Priest
Email: sanjuannepomucenoparishmalibay@gmail.com

SERVICES

MASSES: Sundays: 6:00, 7:30, 9:00 am (Tagalog) & 10:15 am (English)
4:00 (Children's Mass), 5:30, 7:00 pm (Tagalog), 8:00 pm (English), 5:30 pm (B. Mayor Chapel)
Weekdays: 6:00 am & 6:00 pm
Mass for the Sick: every 2nd Saturday, 9:00 am
CONFESSION: Wed., Fri., Sat. 5:30-6:00 pm or by appointment
BAPTISM: Sundays 11:00 am or by appointment
ANNOINTING OF THE SICK: by appointment
MATRIMONY: by appointment
OFFICE HOURS: Tues. to Sun. 8:30 am-12:00 nn, 2:00 pm-6:00 pm, (Closed on Mondays)

Saturday, July 12, 2008

Tradisyon ng Malibay

TRADISYON NG MALIBAY

CENACULO

Isa sa katangi-tanging tradisyon ng Malibay ang cenaculo, isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ni Hesus na karaniwang itinatanghal sa entablado ng Malibay Plaza tuwing kapanahunan ng Kuwaresma. Ang cenaculo ay hango sa “cenaculum”, isang salitang Latin na ang ibig sabihin ay “silid kainan kung saan idinaos ni Hesus at kanyang mga alagad ang huling hapunan (cena)”. Walang makapagsabi kung kailan nagsimula ang cenakulo sa Pilipinas ngunit pinaniniwalaang isa ang bayan ng Malibay sa mga lugar na pinakamatagal ng nagpapalabas ng dulang ito. Ito ay pinasimulan noong 1902 ng Tres Caida na binubuo ni Juan Claudio (kilala bilang Juan Cristo), Dionisio Geronimo (a.k.a. Iciong Pilato) at isang tinaguriang Henyong Pilato. Ang unang pagtatanghal ng cenaculo ay isang “passion play” na ang linya ay binibigkas sa natural na salita at sinasaulo ng mga gumaganap sapagkat ito ay isinasali sa mga kompetisyon ng drama.

Isang sikat na director at nagpalabas ng dramang “Magmamani”, “Philippine Army” at “Dambana ng Diyos” ang pumalit sa papel ni Henyong Pilato. Siya si Fernando Ignacio na nagpatupad ng pagsasalitan ng balaybay (inaawit na pagsasalaysay) at ablada (sinasalita) na unti-unting hindi tinangkilik ng manonood. Nang lumaon, sinubukan muli ni Fernando Ignacio ang nakaugaliang “passion play” subalit lalong nawalan ng kasiglahan ang mga manonood hanggang sa ginawa itong tagulaylay (pag-awit sa linya ng ginagampanan na papel). Hanggang sa kasalukuyan, ito pa rin ang nakagawiang paraan ng pagtatanghal.

Ang mga naging director ng cenakulo ng Malibay ay sina Juan Claudio, Dionisio Geronimo, Fernando Ignacio, Andoy Tenguan, Celestino Espino, Serafin Geronimo, Pio Ramos at Francisco Granada (nagpasimula ng “Road to Calvary”). Isa rin sa nakilalang cenaculista ay si Nicolas “Bagyo” San Pedro. Kadalasan, ang mga gumaganap sa pagtatanghal na ito ay galing sa pamilya ng mga lehitimong taga-Malibay ngunit hindi maitatangging marami rin sa mga kasapi ng Knights of Columbus ang nag-alay ng panahon upang maging tauhan sa nakaugaliang tradisyon na ito ng Malibay.



PANUNULUYAN

Isang tradisyon ng Malibay na ginagawa tuwing ika-24 ng Disyembre ay ang panunuluyan (sa ibang lugar, ito ay tinaguriang “pananawagan”). Ito ay ginagawa bilang paggunita sa paghahanap ng matutuluyan ni Jose at Maria upang isilang si Jesus. Ang mga gumaganap dito ay ang mga kasapi rin ng cenakulo kung saan inililibot ang imahen ng Birheng Maria at tatapat sa walong bahay na may terasa (terrace). Sila ay mananawagan sa pamamagitan ng pag-awit upang patuluyin sila ngunit itataboy naman ng gumaganap na may-bahay na nakadungaw sa itaas ng terasa sa kadahilanang walang lugar. Ang drama ay kadalasang natatapos sa simbahan kung saan dadalaw ang Tatlong Haring Mago at maghahandog sa Niño Jesus. Ang kaugaliang ito ay pinasimulan ni Francisco Granada at nagaganap lamang ayon sa kahilingan ng ilang grupo na taga-Malibay.


SUNDUAN

Ang unang sunduan sa Malibay na nakaugalian ay pinaniniwalaang nagsimula noong 1941. Ito ay laging inaantabayanan ng mga taga-Malibay tuwing Mayo 16, kapistahan ng Patron ng Malibay na si San Juan Nepomuceno. Ang tradisyong ito ay tinawag na “sunduan” sapagkat sinusundo ng mga napiling mga binata ang kanilang kaparehang dalaga kasama ang isang banda ng musiko. Ang mga pares ng dalaga at binata ay nakagayak ng espesyal na kasuotan. Kapag nasundo na ang pinakahuling pares, ang buong prusisyon ay lilibot muli sa pangunahing lansangan ng Malibay kasama pa rin ang banda ng musiko na babalik sa bahay ng hermana at magtatapos sa pamamagitan ng isang salu-salo.



FLORES DE MAYO

Ang Flores de Mayo ay isang tradisyon na kung saan nagkakaroon ng pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen Maria. sa loob ng isang buwan. Bawat araw ay may iba’t-ibang dalagang nag-aalay. Ang sinaunang Flores de Mayo sa Malibay ay hindi isinasabay sa Misa. Ang naatasang hermana ay gumagawa ng ramo. Isang pumpon ng bulaklak na ginagawa ayon sa iba’t-ibang hugis na magpapaalala sa Mahal na Birhen, Santo Rosaryo o halimbawa Santisismo Sakramento na kung minsan pa ay bumubuka at saka lalabas ang isang kalapati depende sa pagkamalikhain ng gumawa nito. Ang dalaga na maaatasan, kasama ng dalawang abay na may dalang kandila, ay lalakad ng paluhod habang dala-dala ang kwintas at koronang bulaklak habang inaawit ang ilang linya ng “Tuhog na Bulaklak”. Pagkatapos, siya ay babalik sa pinanggalingan at dadalhin ang ramo, muling lalakad nang paluhod habang ang himig naman ng “Halina, Tayo ay Mag-alay ng Bulaklak kay Maria” ay inaawit. Sa ikatlong pagkakataon, siya ay babalik muli upang magsaboy ng bulaklak sa paanan ng imahen habang inaawit ang “Dalit kay Maria”. Kung minsan, habang ang dalagang nag-aalay ay kasalukuyang nagpuputong ng korona sa Birheng Maria, ilan sa mga binatang nanunuyo rito ang magpapaputok ng kwitis sa labas ng simbahan. Sa kasalukuyan, ang Flores de Mayo ay isang simpleng pag-aalay ng bulaklak ng ginagawa araw-araw bago matapos ang misa sa buong buwan ng Mayo. Isang malaking prusisyon ang isinasagawa na kasama ang lahat ng kadalagahang nag-alay habang hawak ang bawat titik ng AVE MARIA, labindalawang bituin, ramo na gawa sa iba’t-ibang hugis na kumakatawan sa mga katangian ng Mahal na Birheng Maria batay sa kaniyang Litanya, at ang “quince misterios” ng rosaryo.



ROSARIO CANTADA

Ito ay kaugalian na ginagawa alay sa alaala ng isang namatay na lehitimong taga-Malibay sa pamamagitan ng pag-darasal ng rosaryo sa Latin. Pagkatapos nito, inaawit ang ibang linya sa bandang dulo gaya ng “O Hesus Ko” sa Latin na bersiyon.


PENITENSIYA

Isang tradisyon na hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring ginagawa sa Malibay. Maaring sumali ang sinuman na handang magsakripisyo sa pamamagitan ng pagpalo niya ng pangpenitensiyang pamalo sa kanyang likod na ginuhitan ng “blade”. Isang uri rin ng penintensya ay ang pagbubuhat ng krus bukod pa sa paghampas ng gomang pamalo sa kanyang pige habang naglalakad sa lansangan mula sa isang lugar ng Malibay. Karaniwang nakatakip ang mukha ng mga sumasali upang maging taimtim ang kanilang pagpepenitensiya upang maiwasang husgahan ng mga manonood ang mga nagsasagawa nito. Ang gawaing ito ay nagtatapos kung saan ginagawa ang pasyon.

Ang Parokya ng San Juan Nepomuceno


ANG PAROKYA NG SAN JUAN NEPOMUCENO


Ang parokya ng San Juan Nepomuceno sa Malibay, Lungsod ng Pasay, ay itinatag noong ika-15 ng Hunyo, 1965.

Bagama’t hindi pa gaanong matagal ang pagkatatag sa parokya, makasaysayan ang kanyang pinagdaanan.

Noong panahon ng mga Kastila, ang Malibay ay bahagi ng kasalukuyang Nichols at sakop ng Paranaque. Noong ika-21 ng Enero, 1898 ang Baclaran at Malibay ay ihiniwalay sa Paranaque at ginawang isang pueblo ng probinsiya ng Maynila. Ito’y tinawag na Parroquia de Malibay, Arrabal de Manila dahil ang karamihan ng Katoliko ay taga-Malibay, samantalang karamihan ng mga taga-Baclaran ay Protestante. Isa pang naging bansag ay Parroquia de Harty dahil si Arsobispo Hart ang siyang tumulong para matayo ang simbahan noong 1906. Ang simbahan ay nasa isang maliit na visita sa Maricaban, isang sitio ng Malibay, at ang kura paroko ay doon din tumira kaya maririnig kung minsan ang pangalang Parroquia de Maricaban. Si Padre Eulalio Almeda ang naging unang kura paroko.

Makaraan ang apat na buwan humingi ng pahintulot si Padre Almeda na ilipat sa Baclaran ang kanyang luklukan upang maibuhos ang kanyang panahon sa mga Protestante doon.

Ang simbahan sa Maricaban ay ipinagbili ng humaliling kura paroko, si Padre Celestino Rodriquez, sa U.S. Air Force at binili niya ang maliit na lote kung saan nakatayo ngayon ang lote ng Sta. Rita de Cascia.

Noong 1953, ang Parokya ng San Roque sa lungsod ng Pasay ay itinatag at ang unang kura paroko ay si Padre Pulagio Camahalan. Ang Malibay ay ihiniwalay sa Baclaran, Paranaque at naging sakop ng San Roque, kaya’t napasama na sa wakas ang Malibay sa mga ka-distrito nito sa Pasay.

Matagal at mahirap ang pinagdaanan bago ang parokya ng San Juan Nepomuceno ay nabuo. Ang Kanyang Kabunyian Rufino Kardinal Santos ang unang nagmisa at nagkumpil sa maliit na kapilya ng Malibay noong ika-19 ng Hulyo, 1953 at nakita niya ang pangangailangan ng komunidad na magkaroon ng hiwalay na parokya dahil sa dami ng tao rito at kalayuan nito sa San Roque.

Nagsumikap ang mga taga- Malibay upang makapagpatayo ng mas malaking simbahan. Itinatag ng mga tanyag na mamamayan ang Association for the Construction of the San Juan Nepomuceno Parish Church (Malibay), Incorporated noong taong 1964, sa pamumuno ni Dr. Artemio C. Cruz bilang pangulo at Ginoong Conrado C. Alcantara bilang taga-pangulo ng lupon.

Maliit ang dating loteng kinatatayuan ng lumang kapilya na pag-aari nina Sulpicio T. Cruz at Benita Esteban-dela Cruz kaya’t binili ng samahan ang katabing lupa na pag-aari ni Ginoong Victorino Tanlayco. Ang dalawang lote ay ipinagkaloob ng mga may-ari sa Arsobispo ng Maynila noong taong 1965.

Inilagay ang batong panulukan ng Kanyang Kabunyian, Rufino Kardinal Santos, noong ika-21 ng Pebrero, 1965, araw ng kapistahan ng Distrito, at kabilang sa mga sponsors ay sina Ferdinand Marcos, Pangulo ng Senado, at Senador at Gng. Fernando Lopez.

Nahirang at niluklok sa tungkulin bilang unang kura paroko si Msgr. Carlos S. Inquimboy noong ika-7 ng Agosto 1965. Kasama niya bilang katulong na kura paroko si Reb. Pde. Antonio Tobias na sa kasalukuyan ay Obispo ng Novaliches. Naging kura paroko ng San Juan Nepomuceno ang mga sumusunod:

Reb. Mons. Carlos S. Inquimboy
Agosto 1965 - Nobyembre 1967

Reb. Pde. Leonardo Marquez
Disyembre1967 - Enero 1969

Reb. Mons. Francisco Avedano
Pebrero 1969 - Hulyo 1975

Reb. Pde. Benjamin C. Isip
Agosto1975 - Mayo 1977

Reb. Mons. Juan S. Bautista
Mayo1977 - Hulyo 1992

Reb. Mons. Vicente R. Dacuycoy
Abril 1992 - Hulyo 1994

Reb. Pde. Odon L. Francia
Agosto 1994 - Setyembre 14, 1997

Reb. Pde. Benito B. Tuazon
September 15, 1997 – July 11, 2004

Reb. Pde. Antonio B. Navarrete Jr.
July 12, 2004 -June 31, 2015

Reb. Pde. Edgardo C. Coroza
July 1, 2015 - Kasalukuyan

Sa pagtutulungan ng mga kura paroko at mga mamamayan ng Malibay, ang simbahan ay unti-unting nabuo. Sa unang bahagi, pinatayo ang gusali na kinalalagyan ng San Juan Nepomuceno School noong 1967 ni Padre Leonardo Marquez. Sa ikalawang bahagi, ang kasalukuyang gusali ng simbahan ay ginawa noong 1969 sa panahon ni Mons. Francisco Avedano. Ito ay binendisyunan at pinasinayaan noong ika-8 ng Hulyo, 1973 ng katulong na Obispo ng Maynila, Amado Paulino. Ang rectory ay binuo noong panahon ni Padre Benjamin Isip. Maraming pagbabago sa gusali ng simbahan ang ginawa ni Mons. Juan S. Bautista. Noong panahon ni Mons. Vicente Dacuycoy ang mga naulila ni Gng. Rosario Roxas at ng ilang mamamayang taga-Malibay ay nagtulong-tulong upang maipatayo ang Perpetual Adoration Chapel. Muling pinaayos ni Padre Odon L. Francia ang simbahan at rectory at ginawang Parish Center ang dating San Juan Nepomuceno School. Noong 1998, pinagawa ni Padre Benito B. Tuazon ang rectory upang magkaroon ng medical clinic para ang mga maralitang maysakit sa parokya ay magamot ng walang bayad. Nagkaroon din ng conference room sa bagong opisina ng kura paroko.

Noong una, ang sakop ng San Juan Nepomuceno pati Maricaban ay hanggang Airport Road at Airmen’s Village. Ang hanganan sa pagitan ng parokya ng San Juan Nepomuceno at Our lady of the Airways ay nabago noong 1984. Noong 1992, lumiit ang sukat ng parokya nang itatag ang Parokya ng Mary, Comforter of the Afflicted. Sa kasalukuyan, ang saklaw ng parokya ay ang hangganan ng Pasay at Makati sa hilaga at silangan, Maricaban Creek sa timog, at Estero Tripa de Gallina sa kanluran.

Ngayon, may 65,000 na mamamayan sa Malibay; 90% nito ay Katoliko. 







DECREE OF ERECTION OF THE PARISH OF SAN JUAN NEPOMUCENO 
AND 
SUBSEQUENT DECREES CHANGING ITS BOUNDARIES






DECRETO DE ERECCION



DE LA NUEVA PARROQUIA DE SAN JUAN NEPOMUCENO

EN MALIBAY, PASAY CITY



NOS, D. RUFINO J. CARDENAL SANTOS POR LA GRACIA DE

DIOS Y DE LA SANTA SEDE ARZOBISPO DE MANILA:



          Habiendo visto este expediente de desmembracion de la parro-quia de San Roque, Pasay City y de la ereccion de una nueva parro-quia que se comprendera dentro de los siguientes:

          N-S  ………..  PASAY CITY – MAKATI civil boundary
          S   ………….  MARICABAN CREEK
          W ………….  ESTERO TRIPA DE GALLINA.

          Resultando que el lugar comprendido dentro de los citades limites tiene el numero suficiente de habitantes y su distancia de la parroquia matris en grande;  por lo que existen rasones y causas canonicas justas y suficientes para que dicho lugar sea segregado de la  parroquia de San Roque;

          Resultando que el Ilso. Cabildo Metropolitano de la Archidio-cesis de Manila, manifestando su parecer ha dado su conformidad;

          Resultando que el parroco de San Roque reconoce como causa canonica las rasones expuestas en el parrafo anterior y ha dado su conformidad;

          Considerando que los Ordinarios tienen potestad para dismem-brar la parroquia existente, INVITIS QUOQUE EARUN RECTORI-BUS, siempre que exista gran dificultad de los fieles para acudir a la iglesia parroquial;

          Considerando que la dificultad de atender desde la parroquia propia a un gran numero de fieles esta reconocida por todos;

             Nos, vistos los canones 1427  y 1428 del Codigo Plano,

D E C R E T A M O S

1.     Que venimos en separar y desmembrar y separamos y desmembramos el lugar comprendido dentro de los limites arriba descritos de la parroquia de San Roque para erigir y establecer como por las presentes erigimos y establecemos la parroquia de SAN JUAN NEPOMUCENO en MALIBAY, PASAY CITY;

2.     Que dicha parroquia de SAN JUAN NEPOMUCENO quedara plenamente separada de la parroquia matris, a cuyo parroco declaramos libre y exente de la misma, y que tendra parroco propio, sello parroquial, libros parroquiales y demas objetos para el culto da la iglesia;

3.     Finalmente, no existiendo dote para sostener el culto y personal de la nueva parroquia, amonestamos y mandamos a los fieles vecinos de la feligresia que ayuden en cuanto los sea possible a mantener el decoro y culto de la iglesia, y sostener el parroco encargado sobre todo en lo que toca al arancel parroquial diocesano;

4.     Y mandemos igualmente a todos que observen este Nuestro Decreto de que en dialecto local dara el parroco futuro de la parroquia de San Juan Nepomuceno conocimiento al publico desde el pulpito en un dia de mayor concurrencia para los efectos oportunes; lo mismo se manda al Parroco de San Roque y archivese original.

Dado en Nuestro Palacio Arsobispal de Manila, firmado de nuestra mano, sellado y refrendado por el infrascrito Secretario de Camara y Gobierno del Arzobispado de Manila, hoy 15 de Junio, 1965.
    





                                                                           + RUFINO J. CARDINAL SANTOS             
                                                                           Arsobispo de Manila                          




                                                                           Por mandado de Su Eminencia                      



                                                                          MSGR. JOSE C. ABRIOL, D.P.                  
                                                                                                        Canciller                              
 




Arzobispado de Manila and

1000 General Solano St

P.O. Box 132

Manila, Philippines





DECREE REVISING THE BOUNDARIES

OF SAN JUAN NEPOMUCENO PARISH

Malibay, Pasay City




Upon recommendation of Msgr. Bienvenido Mercado, District
Vicar of Pasay Ecclesiastical District, with the consent of Msgr. Juan Bautista and Rev. Fr. Modesto Teston, Parish Priests of San Juan Nepomuceno and Our Lady of the Airways Parish respectively, we hereby revise the territorial boundaries of the Parish of San Juan Nepomuceno as follows:
          NORTH:     Pasay-Makati boundary
          SOUTH:     Airport Road
          EAST  (North to South):  Pasay-Makati boundary, then thru
                             the western limits of Airmen’s Village

          WEST  (North to South):  Estero Tripa de Gallina, then
                             Maricaban Creek.

For immediate implementation.

Manila, October 12, 1984





                                                          + JAIME CARDINAL L. SIN                   

                                                                 Archbishop of Manila                         








Arzobispado de Manila and

1000 General Solano St

P.O. Box 132

Manila, Philippines





DECREE REVISING

The Territorial Boundaries of the Parish of

SAN JUAN NEPOMUCENO

Malibay, Pasay City




Acting upon the recommendation of the Most Rev. Gabriel V. Reys, D.D., District Bishop of the Ecclesiastical District of Pasay, with the consent of the Parish Priests of San Juan Nepomuceno, San Roque and Our Lady of the Airways Parish,  We hereby revise the boundaries of the parish of San Juan Nepomuceno, transferring the area described below to the Parish of Our Lady of the Airways, namely:

The area bounded by Tramo on the east, by Estero Tripa de Gallina, Maricaban Creek on the north and west, and the Airport road on the south.

Manila, July 31, 1985





                                                          + JAIME CARDINAL L. SIN                          

                                                                 Archbishop of Manila                               


                                               

                                                By order of His Eminence                                 



                                                MSGR. JOSEFINO S. RAMIREZ                   

                                                     Vicar General and Chancellor                        







The Roman Catholic Archbishop of Manila

121 Arzobispo Steet, Intramuros

P.O. Box 132

Manila, Philippines





DECREE CLARIFYING THE TERRITORIAL BOUNDARIES OF THE
PARISH OF SAN JUAN NEPOMUCENO
Malibay, Pasay City


In view of the establishment of Mary, Comforter of the Afflicted Parish, we hereby clarify the territorial boundaries of SAN JUAN NEPOMUCENO PARISH, Malibay, Pasay City as follows:

                   North:          Pasay – Makati Civil Boundary

                   East:           Pasay – Makati Civil Boundary

                   South:          Maricaban Creek

                   West:          Estero Tripa de Gallina

For immediate implementation.

August 28, 1992





                                                                   + JAIME CARDINAL L. SIN                            

                                                                          Archbishop of Manila                                   


                   

                                                                   By order of His Eminence                                   



                                                                   MSGR. JOSEFINO S. RAMIREZ                     

                                                                        Vicar General and Chancellor                          
 

Kasaysayan ng Malibay

KASAYSAYAN NG MALIBAY

(Sinikap ng mga manunulat na buuin ang dokumentong ito sa layunin ang mga lathala, pananaliksik ng ilang guro, at salaysay ng mga lehitimong taga-Malibay na nagpasalin-salin mula sa kanilang mga ninuno.)

Ayon sa alamat, si Raha Matanda at mga kasama nitong maharlika, malimit sa Malibay ang manghuli ng babaeng usa (ibay) na naglipana sa maburol na palayan sa pagitan ng Makati, Taguig, Parañaque at Pasay. May isang Kastilang nagtanong kung ano ang ngalan ng lugar, “Ma-libay diyan” ang tugon sa katanungan.

Hanggang sa dumating ang mga Amerikano, ang Malibay ay isang malawak na bukirin ng palay at ikmo na umaabot sa dakong ngayon ay Magallanes. Dalawang uri ng ikmo ang tanim, ang pula (mapait ang lasa) at ang sinubulos (mababang uri).

Layu-layo ang mga bahay noon at ang ngayong F. Cruz ay isang “Daang Kalabaw” patungo sa bukid - maputik, makipot, at hindi halos madaanan. Karitela ang pangunahing sasakyang bayan palabas ng Malibay.

Ang Malibay ay dating distrito ng Taguig na pinamamahalaan ng isang tawag ay corregidor. Kinalaunan ang titulo ay pinalitan sa alkalde.

Noong panahon ng Katipunan, ang Malibay ay napailalim kay Heneral Gregorio del Pilar. Karamihan ng mga Katipunero sa Pasay ay mula sa Malibay. Lumikas ang mga tao upang hindi mahuli ng mga guardia civil. Sila ay nakipaglaban sa mga Kastila sa Las Piñas, Bacood at Zapote. Ang pangkat ng mga taga-Malibay ay pinangunahan ni Koronel Teodoro Tolentino, at katulong niya sina Kapitan Bonifacio Vizcarra at Marcela Marcelo. Si Marcela ay namatay sa pakikipaglaban sa tulay Julian sa batang edad na dalawampu’t apat na taon.

Noong 1898, hiniling ng mga tao na sila ay mabigyan ng kalayaang mamili ng kanilang pinuno, kaya ang Malibay ay ipinahayag na Pueblo de Malibay, Arrabal de Manila. Sakop ng pueblo ang Parañaque, Pildera at Mabong.

Pagkatapos ng digmaan laban sa mga Amerikano, itinatag muli ang pamahalaang lokal sa Malibay sa pamumuno ni Koronel Teodoro ng Malibay para manatiling isang municipio. Noong 1905, himiwalay ang Parañaque, at ang Malibay, Pildera at Mabong ay ginawang barrio ng Pasay.

Ang iba pang barrio na bumubuo sa Pasay ay may sari-sariling alamat. Ang mga ito ay nakilala sa mga bansag na Maytubig, Tabing Ilog o Balite (San Isidro), (Mabolo) (San Jose), Manggahan o Coronila (San Rafael), Santol (San Roque) at Kabayanan (Santa Clara).




Mga Lansangan sa Malibay

Kasabay ng pag-unlad ang pagdayo ng mga tao na mula sa ibang pook. Dumami ang mga bahay at kinailangang magtayo ng mga kalye para daanan ng tao at sasakyan. Ang pangunahing kalye ay ipinangalan kay Clemente Jose (1811 – 1891), ang unang kapitan municipal. Marami siyang ginawa kaya napamahal siya sa mga tao. Kabilang sa kanyang pagpapagawa ang pinakaunang mabuting lansangan sa Malibay, ang Apelo Cruz. Ang kaagapay na pangunahing kalye ay ipinangalan kay Potenciano Santos, dalawang ulit na kapitan municipal na siyang namagitan sa mahihirap at mga Kastila sa pangongolekta ng napakataas na buwis. Siya rin ay napamahal sa taong bayan.

Ang daang Apelo Cruz ay ipinangalan kay Telesforo Apelo Cruz, ang ika-48 na gobernador ng Pasay noong 1857. Ipinagtanggol niya ang karapatan ng mga may-ari ng lupaing kinamkam ng mga prayle ng naging sanhi ng kanyang pagkabilibid.

Samantala, ipinangalan kay Miguel Cornejo, Sr. ang isang daan bilang pag-alaala sa kanya. Siya ay dalawang ulit na naging pangulong bayan noong 1920 – 1922 at 1929 – 1932. Pinakabitan niya ng tubig, kuryente, telepono at telegrapo ang Pasay. Pinaaspaltuhan rin niya ang mga lansangan; pinaayos ang mga paaralan, palengke, kapulisihan, gayundin ang lugar ng mga bumbero, matadero at sementeryo. Ihiniwalay rin sa panahon ng kanyang pamumuno ang Malibay sa Fort Mckinley at pinagbili ang lupa sa mga naninirahan sa murang halaga. Ang kalsadang Ester Cornejo ay sinunod sa pangalan ng pinakamamahal na panganay na anak ni Ginoong Cornejo na yumao.

Tatlong kalye ang ipinangalan sa tatlong bayaning lumaban noong panahon ng Kastila, sina Marcela Marcelo, Teodoro Tolentino, at Bonifacio Vizcarra. Pangalan naman ni Restituo Ascaño, inhinyero ng lungsod ng Pasay noong 1954, ang taglay ng daang karugtong ng E. Flores. Walang nakasulat tungkol sa ibang kalye, ngunit sa aming pagtatanong sa kanilang mag kamag-anakan, natuklasan naming na ang ibang kalye ay ipinangalan sa mga taong iginagalang sa purok na kanilang tinitirahan. Sila ang tinatawag para lumutas ng mga hidwaan, na tungkuling ginagampanan ng mga punong barangay sa ngayon. Kabilang sa mga taong ito sina Elias Flores, Basilio Mayor, Ignacio Santos, Mariano Geronimo, Francisco Cruz, Laureano Taytay, Eligiodoro Estanislao, Feliciano Francisco at Vicente Cruz.

Hindi namin natunton ang mga kamag-anak ng iba sa kadahilanang lumipat na sila ng tirahan o hindi naipasa sa mga apo nila ang impormasyon tungkol sa kanilang mga ninuno.


Musika at Iba Pa

Hindi mawawala ang musika sa halos lahat ng okasyon sa Malibay. Ang Banda Kalayaan ang unang banda sa Pasay na nakilala. Ito ay sinasabing itinatag noong dekada 1920 sa pangunguna ni Dr. Crispulo Musngi at ng kanyang mga kasamahan na dating miyembro ng tanyag na Banda Katipunan ng Bulacan. Isa sa mga orihinal na kasapi nito na taga-Malibay ay si Vicente Gabrillo. Sa kanilang pagsusumikap kung kaya at naipagpatuloy ang nasimulan na adhikain ng grupo na mapanatili ang katanyagan ng banda at maipasa ang pamamahala ng banda sa kanilang mga sumusunod na salin-lahi. Si Romy Gabrillo (anak ni Ka Vicente) ang kasalukuyang maestro ng banda.

Isa pang grupo ng magkakaibigang mahilig sa musika na sina Pio Velez, Flaviano Francisco, Guillermo Hilario, Pacifico Ranera, Hermin , Daniel at Vic Jacinto, at iba pang musikerong nakatira sa Malibay at Bangkal ang nagsama-sama upang bumuo ng banda na tinagurian nilang Banda ng San Juan de Nepomuceno. Ito ay bilang pagpaparangal sa pintakasi ng Malibay. Si Evaristo Galang ang nahirang na tagapamahala. Sa kasalukuyan si Prof. Herminigildo G. Ranera (apo ni Evaristo Galang at anak ni Pacifico Ranera) and director ng musika, tagakumpas at taga-areglo. Mula 1966 hanggang ngayon, ang banda ay patuloy na nagwawagi sa iba’t-ibang kompetisyon.

Marami pang ibang grupo ang itinatag sa Malibay tulad ng Comite de Festejos, Samahang Cenaculista, Varsity Club at Canadian Club na may iba’t-ibang layunin.
Mayroon ring mga bagong gawain na nagiging tradisyon na tulad ng prusisyon ng mga imahen ng Sto. Niño na ginagawa tuwing Enero.

Naisama na rin natin sa kasaysayan ng Malibay ang mga pangalan ng tatlong paring taga-rito, sina Padre Generoso Geronimo, Hamilton Ureta at Leo Nilo Mangussad.

Wakas

Bilang mga nilikha ng Diyos, hindi ba’t tungkulin natin na tanggapin, panatilihin at pag-ibayuhin ang kalikasan at iba pang kayamanan na Kanyang ipinagkaloob sa atin?

Kaya naman, anumang biyayang naipagkaloob sa bayan ng Malibay noong simula pa lamang ay hindi dapat kalimutan ng kasalukuyang henerasyon. Sa pagdaan ng mga taon, ang lahat ng pagbabago ay nanggaling sa pagsisikap ng mga naunang nanirahan dito na patuloy naming pinauunlad hanggang sa ngayon. Ang pagrespeto sa nakaraan at sa maunawaing pagtanggap sa makabagong kaugalian o kaya’y sa uri ng pamumuhay ng bayang ito, ay tanda ng tunay na pagkakaisa ng mga mamamayan ng Malibay.

Vision and Mission

PANANAW ng ARKIDIYOSESIS ng MAYNILA

(Vision)


Bayang tinawag ng Ama kay Hesukristo,
Upang maging Sambayanan ng mga taong may Kaganapan ng Buhay,
Sumasaksi sa paghahari ng Diyos,
Nagsasabuhay ng Misteryo Paskal,
Sa kapangyarihan ng Espiritu Santo,
Kasama ang Mahal na Ina, ang Birheng Maria.

(English)

A people called by the Father in Jesus Christ
to become a Community of persons with Fullness of Life
witnessing to the Kingdom of God
by living the Paschal Mystery
in the power of the Holy Spirit
with Mary as Companion.

MISYON ng PAROKYA ng SAN JUAN NEPOMUCENO

(Mission)

Pagbubuo ng matatag na Sambayanan ng mga Pamilyang Kristiyano
Na namumuhay na may karangalan,
Naka-ugat sa Salita ng Diyos at Eukaristiya,
Na nagbibigay diin sa paghuhubog ng mga kabataan.

(English)

To form a strong community of Christian families
Living with dignity,
Rooted in the Word of God and the Eucharist,
With emphasis in molding the youth.