C. Jose St., Malibay, Pasay City, Philippines 1300, Tel/Fax 63(2)852-8164

WELCOME TO OUR BLOG SITE

In this site are articles on our Vision, Mission, History, Tradition, and other information.

For further information, visit our Facebook page.

Rev. Fr. Edgardo C. Coroza, Parish Priest
Email: sanjuannepomucenoparishmalibay@gmail.com

SERVICES

MASSES: Sundays: 6:00, 7:30, 9:00 am (Tagalog) & 10:15 am (English)
4:00 (Children's Mass), 5:30, 7:00 pm (Tagalog), 8:00 pm (English), 5:30 pm (B. Mayor Chapel)
Weekdays: 6:00 am & 6:00 pm
Mass for the Sick: every 2nd Saturday, 9:00 am
CONFESSION: Wed., Fri., Sat. 5:30-6:00 pm or by appointment
BAPTISM: Sundays 11:00 am or by appointment
ANNOINTING OF THE SICK: by appointment
MATRIMONY: by appointment
OFFICE HOURS: Tues. to Sun. 8:30 am-12:00 nn, 2:00 pm-6:00 pm, (Closed on Mondays)

Tuesday, February 26, 2013

SANTACRUZAN


SANTACRUZAN
(Naganap noong ika-22 ng Mayo 1999, Sabado, 7:00 ng gabi.)

Pauna: Ang gawaing ito ay hindi isang palabas. Bagkus ay isang pagpapahayag ng pananampalatayang Kristiyanong hango sa karanasan ng mga taong biniyayaan ng Panginoon at tumugon ng may pagmamahal. Inaanyayahan namin i kayo na samahan kami sa panalangin at pagsariwa sa kanilang buhay na tunay na mabuting halimbawa.

SANTACRUZAN
Nanggaling sa dalawang salita, "Santa" at "Cruz", na tumutukoy sa pinagpakuan sa ating Panginoong Hesukristo. Isa ito sa pinakamahalagang simbolo sa pananampalatayang Kristiyano. Ang SantaCruzan ay isang pagpapahayag ng pananampalataya batay sa karanasan nina Reyna Elena at ng kanyang anak na si Constantino.

Isang mabisang pagpapahayag ng Kristiyanismo ang paglalahad ng mga karanasan ng pagbabago. Ang Santacruzan ay may ganitong diwa. Ayon sa isang alamat si Constantino na isang pagano ay naharap sa isang mahalagang digmaan. Napatingala siya sa kalangitan at nakita niya sa madilim na ulap ang isang makinang na krus na may mga katagang: "IN HOC SIGNIA VINCIT", na ang ibig sabihin ay "Sa pamamagitan ng tandang ito ikaw ay makakasakop ". Kayat inatasan niya ang kanyang mga pinuno na gawing tanda ng kanilang hukbo ang krus. Nagtagumpay sila at ipinasya niyang sumapi sa Kristiyanismo sa pagbibinyag ni Papa Eusebio. Bilang pasasalamat ipinadala niya ang kanyang ina, si Reyna Elena, sa Jerusalem upang hanapin ang Krus na pinagpakuan sa Panginoong Hesus. Tatlong krus ang natagpuan. Ang krus na nagpagaling sa maysakit (o sa ibang kuwento ay ang krus na bumuhay sa isang patay!) ang tinukoy bilang siyang Banal na Krus. Nagdaos ang buong kaharian sa pamamagitan ng prusisyon ng Banal na Krus.
                                                                                                                                                  
MGA GUMAGANAP
SAN JUAN NEPOMUCENO - patron ng parokya at bantog sa pagtulong sa pagsampalataya ng mga hindi naniniwala sa Diyos at pagbabalik-loob ng mga makasalanan.
MATUSALEM - (Sir Knight Johnny Pitel, KC) Napakatandang tao, sakay ng kariton at makikitang naghahalo ng buhangin sa kawa. Ipinaaala-ala rdya na ang lahat kahit ang kumikinang ay magbabalik sa alabok.
MGA BATANG ITIM - (Knights of the Altar) Kumakatawan sa mga katutubo ng ating bayan na tumanggap ng binyag sa Kristiyanismo.
REYNA ABANDERADA - (Daena Cruz, LOM) Kumakatawan sa ating bansang Pilipinas, isang Kristiyanong bansa at inaasahan at halimbawa ng Kristiyanismo dito sa Asya.
REYNA MORA - (Vanessa Argonza) Kinakatawan niya ang mga kapatid nating Muslim. Ipinaaala-ala sa atin bilang Kristiyano na ang lahat ay ating kapatid at pananagutan kahit iba-iba ang ating pananampalataya. Maging halimbawa tayo sa ating kapwa.
TRES MARIAS, MARTHA (Kim Santiaguel, Haw ng Panginoon), SALOME (Mary Ann  de  la  Cruz,   NAC), AT MAGDALENA (Anna Liza Fernandez, Ilaw ng Panginoon) Inilalarawan nila ang ganap at walang takot na pananampalataya sa pagdalaw sa libingan ng Panginoon. Ang walis ay tanda ng pagkakaisa. Ang insenso ay ang pagkilala sa Panginoong Hesus bilang Diyos. At ang pabango, tanda ng kasariwaan at buhay na walang hanggan.
REYNA FE - (Mona Lisa Avedana, MOW) Ibig sabihin ay "Pananampalataya ". Dala niya ay Bibliya na naglalaman ng Salita ng Diyos na batayan ng ating paniniwala sa Diyos.
REYNA ESFERANZA - (Ma. Gracita Guevarra, NAC) Ibig sabihin ay "Pag-asa". Dala niya ay kalapati, isang ibong sa bawat paglipad ay pangako ng katiyakan at kapayapaan.
REYNA CARIDAD - (Jennifer Papa, MOW) Ibig sabihin ay "Pag-ibig". Dala niya ang isang puso tanda pagmamalasakit sa kapwa.
ABOGADA - (Raquel Besmano, MOW) Kinakatawan niya ang isang katangian ng Diyos, ang pagtatanggol para sa katarungan lalo na ng mga naaapi.
DIVINA PASTORA - (Kristine San Sebastian, MOW) Ang Panginoon ay Mabuting Pastol. Tayo ay mga tupa na pinamamahalaan Niya (baston) ng tapat at buong pagmamahal.
REYNA SENTENCIADA - (Yoly Salas, El Shaddai) Ang pinatawan ng kaparusahan. Ang Diyos ay makatarungan.  May takdang kaparusahan ang lahat ng masamang gawain.
REYNA HUSTISYA - (Angela Majarais, MOW) Nakapiring at may hawak na timbangan ng katarungan, katarungang inaasam ng bawa^ tao na makamtan.
REYNA NG KALAYAAN - (Rowena Esguerra, MOW) Ang putol na tanikala ay tanda ng kalayaan sa lahat ng bagay sa mundo at pagkilala sa iisang Panginoon.

MGA TAUHAN SA BANAL NA AKLAT
SAMARITANA - (Dang Bruno, LOM) Taga-Samaria, itinuturing na mababang uri ng tao sa kapanahunan ni Hesus. Pinili ni Hesus na pagpahayagan ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagbubunyag sa Kanyang sarili bilang Tubig ng Buhay.
REYNA JUDITH - (Lina Fernandez, MOU) Kabigha-bighaning Reyna ng katapangan at may malalim na malasakit sa kapwa. Pinugutan niya ng ulo si Holofernes, mandirigma ni Haring Nebuchadnezzar, na nagtangkang patayin ang mga kababayan niyang Israelita.
REYNA ESTER - (Dinah Lucero, MOU) Isang  ulilang  Hudyong  inaruga ng pinsan   niyang   si   Mordecai   na sa kabutihang-palad ay napiling reyna sa kaharian ni Haring Ahasuerus. Natuklasan ni Mordecai ang balak ni Haman na patayin ang hari. Ipinaalam din ni Ester ang balak ni Haman na ipapatay ang mga Hudyo. Subalit dahil sa kagandahan ni Ester at katapatan ni Mordecai, binigyan ang lahat ng mga Hudyo na sumamba ng hayagan.
REYNA SHEBA - (Grace Dieta, MOU) Maganda at napakayaman na Reyna. Kaibigan ni Haring Solomon. Nagtulong sila sa kaunlaran ng kanilang nasasakupan. Tanda ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa.

MGA KATANGIAN NG MAHAL NA BIRHEN
REYNA DE LAS FLORES - {Teresa de la Cruz, MOU) Kinikilala ang Mahal na Birhen bilang reyna ng mga bulaklak. Walang kapantay na kagandahan ng ugali at mabangong pagkatao. Tanda ng ganap na buhay na dinala niya, si Hesus.
BAHAY NA GINTO - (Remy Francisco, MBG) Minsan sa kanyang sinapupunan ay nanahan ang pinakamahalagang "ginto" ng sanlibutan, ang Panginoong Hesus. Tanda rin ito ng kanyang "ginintuang kalooban" dahil sa pagsang-ayon sa kalooban ng Diyos.
TALA SA UMAGA - (Katharine Ann Carandang, Qorban & LOM) Gabay ng mga pantas sa pagtunton sa isinilang na NiƱo Hesus. Kinikilala ngayon ang Inang Maria bilang gabay ng bawat mananampalataya tungo sa kanyang Anak na si Hesus.
SALAMIN NG KATARUNGAN - (Sol Lacap, MHC) Pinagpala siya sapagkat banaag sa kanyang buhay ang katapatan sa Panginoon sa lahat ng panahon. Ang kanyang buhay ay halimbawa ng katarungan ng Diyos sa mga tapat sa pananampalataya.
TORENG GARING - (Lyka Cornejo, NAC) Ang tore ay tanda ng kaligtasan. Matatakbuhan sa oras ng kagipitan. Ang Inang Maria ay Ina ng Laging Saklolo. Nagtiwala siya na hindi siya pababayaan ng Diyos. Ang bawat Kristiyano ay makasusumpong sa kanya ng lakas ng loob na dala ng pananampalataya. ROSA MISTICA - (Maricris Real, MOW) May kakaibang ganda ang rosas subalit may kaakibat na hiwaga na dala ng mga tinik nito. Ang Birheng Maria ay puspos ng   kagandahan   subalit   hiwaga sa karamihan. Ang sumasampalataya lamang ang makakaarok ng kanyang kabigha-bighaning ganda. BIRHENG MARIA - (Rebecca Albaytar, MHC) Ina ng Panginoong Hesus. Walang kapantay sa pananampalataya sa Diyos. Unang alagad at halimbawa ng tunay at ganap na pagiging Kristiyano. Ina ng Simbahan, Ina ng Kaligtasan.
SAN MACAREON - (Nick Dulva, SMHC) Obispo na nagbigay pahintulot na buwagin ang mga gusaling nakatayo sa ibabaw ng bundok na pinaghukayan at kanatagpuan ng Banal na Krus.
REYNA ELENA - (Floring Haynes, MHC) Ina ni Haring Constantino na nagsumikap matunton ang Banal na Krus. Siya ay mabait, matulungin at madasaling reyna. Ang kanyang kayamanan ay ibinahagi niya sa mga mahihirap. Halimbawa siya hindi lamang ng isang mabuting ina kundi ng pagiging Kristiyano.
EMPERADOR CONSTANTINO - (Kon. Allan Panaligan) Anak ni Reyna Elena, Hari sa silangan. Magiting na mandirigma at masunuring anak. Dati ay pagano at berdugo ng mga Kristiyano subalit naging kasapi nito dahil sa pangitain ng Banal na Krus. Siya ay halimbawa ng taong bukas ang kalooban sa biyaya ng Diyos. Sa kanyang pagpapabinyag ay maraming Kristiyano ang nasagip sa kamatayan at naging dahilan ng pagsapi ng iba.
BANAL NA KRUS - Simbolo ng Kristiyanismo. Dito ipinako ang Panginoong Hesus. Kamangmangan sa mga Griyego, iskandalo sa mga Hudyo, subalit kaligtasan at walang hanggang pag-ibig sa isang Kristiyano.