C. Jose St., Malibay, Pasay City, Philippines 1300, Tel/Fax 63(2)852-8164

WELCOME TO OUR BLOG SITE

In this site are articles on our Vision, Mission, History, Tradition, and other information.

For further information, visit our Facebook page.

Rev. Fr. Edgardo C. Coroza, Parish Priest
Email: sanjuannepomucenoparishmalibay@gmail.com

SERVICES

MASSES: Sundays: 6:00, 7:30, 9:00 am (Tagalog) & 10:15 am (English)
4:00 (Children's Mass), 5:30, 7:00 pm (Tagalog), 8:00 pm (English), 5:30 pm (B. Mayor Chapel)
Weekdays: 6:00 am & 6:00 pm
Mass for the Sick: every 2nd Saturday, 9:00 am
CONFESSION: Wed., Fri., Sat. 5:30-6:00 pm or by appointment
BAPTISM: Sundays 11:00 am or by appointment
ANNOINTING OF THE SICK: by appointment
MATRIMONY: by appointment
OFFICE HOURS: Tues. to Sun. 8:30 am-12:00 nn, 2:00 pm-6:00 pm, (Closed on Mondays)

Wednesday, May 11, 2016

DALIT KAY MARIA - AWIT SA PAG-AALAY NG BULAKLAK (Malibay version)



DALIT KAY MARIA
Awit sa Pag-aalay ng Bulaklak
(Malibay version)

Koro:
Itong bulaklak na aming alay
Ng aming pagsintang tunay
Palitan mo, Birheng mahal
Ng tuwa sa kalangitan.

Verses:
O Mariang sakdal dilag
Dalagang lubhang mapalad
Tanging pinili sa lahat
Ng Diyos Haring mataas.

Kaya kami naparito
Aba Inang masaklolo
Paghahandog pananagano
Nitong bulaklak sa Mayo,

Buwang ito’y mahalaga
At lubhang kaaya-aya
Pagka’t sa iyo Señora
Nahahain sa pagsinta.

Araw at mga paninim
Ay pawing nangagniningning
Na anaki’y mga bituin
Sa tulong mo Inang Birhen.

Ang mga natuyong kahoy
Na nilanta ng panahon
Pawang sumisibol ngayon
Sa pagsinta sa iyo Poon.

Ang dating di namumunga
Nang mga panahong una
Ngayo’y nangagpapakita
Ng mababangong samapaga.

Sa masagana mong awa
Walang di mananariwa
Tuyong kahoy magdaragta
Kung ikaw ang mag-aalaga.

Nangalanta naming puso
Sa kasalana’y natuyo
Birheng Ina’y tunghan mo po’t
Nanagsisisi ng tanto.

Dumudulog at lumalapit
Sa masagana mong batis
At tumatanggap ng lamig
Na iyong idinidilig.

Nananalig at umaasa
Sa biyaya mong walang hangga
Na malulugdin kang Ina
Sa anak na nanininta.

Kaming halamang nalaing
Sa init ng sala naming
Diligin ng awa mo Birhen
Sa pagsinta’y nang magsupling.

Yamang ikaw ang may bitbit
Ng buong biyaya ng langit
Señora, kami’y itangkilik
Nang di mapugnaw sa init.

Diligin ng iyong habag
Ang sa puso naming ugat
Nang manariwa’t pumulas
Ang mababangong bulaklak.

Sukdulang patay na mistula
Kami sa salang nagawa
Walang di pagkabuhay nga
Kung ampunin ng iyong awa.

Sa iyo ang buong tulong
At ikaw ang Panginoon
Ng madlang ligaya roon
Sa Maluwalhating Sion.

Ikaw ang dakilang Reyna
Ng buong nanga sa Gloria
At mabango kang sampaga
Ng Diyos na walang hangga.

Ang ibig mong papanhikin
Sa langit ay walang pipigil
Bagkus pa ngang tatanggapin
Kung ikaw ang humihiling.

Mga koronang tuhug-tuhog
Na mababangong kampupot
Kamay mo ang nagsasabog
Sa mga katoto ng Diyos.

Doo’y ang buong Korte’t
Mga banal na babae
Hari at mga prinsipe
Pawang sa iyo nagpupuri.

Kaya kami ngayong lahat
Na nagluhod sa iyong harap
Nagpupuri’t naggagawad
Nitong sa lupang bulaklak.

Hamak na’t lubhang huli
Sa mga bulaklak sa Korte
Loobin mo, Inang kasi
Sa ampon mo’y manatili.

Upang siyang maging landas
Nang aming ikararapat
Sa awa mo, Birheng liyag
At sa maligayang siyudad.

Ang walang halagang kahoy
Sa lupa’y pinayayabong
Ng awa mo, Birheng Poon
Kami ano kaya ngayon?

Hindi na kaya mahabag
Sa luha naming nanatak
At sa pusong nag-aalab
Ng sa iyo ay paglingap.

Huwag iligid sa amin
Ang awa mo at pagtingin
Yamang wala na O Birhen
Iba kaming dudulugin.

Malaon kaming nalayag
Sa kalautan ng dagat
Ng kasalanang masaklap
Nakamamatay sa lahat.

Hindi naming naalaala
Mahal mong ngalan Señora
Ngayong madilidili ka
Kami po’y nagsisisi na.

Nagtitika kaming tikis
Na di muling makikinig
Sa mga masamng akit
Ng domonyong lilong ganid.

Lalayuan naming lubos
Birheng Inang maalindog
Ang iyong ikinapopoot
Sa awa mo’y ng manulos.

Panunghan mo, Inang liyag
Ang mahihina mong anak
Dumudulog at tumatawag
Sa pinto ng iyong habag.

Lakas nami’y walang kaya
Makapagtagumpay sa sala
Kung di mo tulungan, Ina’t
Sa iyo kami pakalara.

Patapangin ng iyong biyaya
Ang puso naming mahina
Nang din a muling madaya
Nitong mundong makuhila.

Ang ngalan mong maalindog
Na Mariang bunyi’t bantog
Ikintal sa aming loob
Tukso’y nang di makapasok.

Papangyarihin sa amin
Ngalan Mo’y siyang sambitin
Sa pagtulog at paggising
At sa anumang gagawin.

Doon po kami iparis
Sa tanang Korong angheles
Mga Tronos at Potesdades
Ngalan mo ang sinasambit.

Nagpupuri’t nagsasaya
Dahil sa dakilang arka
Na punung-puno ng grasya
Ika’y nga po’t dili iba.

Upang yaring puso’t loob
Ay manatiling maglingkod
Hanggang ikaw mapanood
Sa kaluwalhatian ng Diyos.

Pangako mo rin pong dati
Na sinumang pakandili
Sa iyo’y mamintakasi
Aampunin mong parati.

Sukdan nga lubhang masala
Pag tinatawag kang Ina
Nagsisisi’t nagtitika
Tuturingang anak mo na.

Agad mo pong dinidinig
Banal at balang humibik
Kaya yaring aming dibdib
Napapako sa pag-ibig.

Balang maninta ng tapat
Sa iyo po Birheng wagas
Sa langit naaakyat
Na di nagdadaang hirap.

Anumang galit ng Diyos
Sa sala ng sangsinukob
Kung ikaw ang siyang lumuluhod
Humuhupa’t umuuntos.

Kami naman ay gayon din
Kailan ma’t iyong idaing
Kay Jesus, Anak mong giliw
Agad-agad kang susundin.

Pahirin ng iyong awa
Anang dating mapagpala
Umaanod naming luha
Dahil sa salang nagawa.

Kami’y ipakiusap mo
Sa bunying Divino Verbo
Na kami’y maging katoto
Sa langit na iyong Imperio.

Huwag mo kaming limutin
Aba Inang malulugdin
Nang yaring aming panimdim
Sa awa mo’y magupiling.

Pakasambahin ka ng lahat
Sa buong sangmaliwanag
Ipagbantog ipagtawag
Awa Mong walang katulad.

At kung dito kami’y maalis
Sa bayang kahapis-hapis
Salubungin mo’t ihatid
Sa kaluwalhatian sa langit.